I have to write this in tagalog
Gulong gulo ako =(. Mahal ko boyfriend ko at wala akong gagawin para maghiwalay kami. Pero nagkakaron ako ng feelings para sa isang tao lately. Ewan ko kung dahil sa sinabi saki ng boss ko na may gusto siya sakin o ano.
Pero lately, ang pakiramdam ko ay parang mayroon akong ginagawang masama. Parang nagtataksil ako sa aking kasintahan pero wala naman akong ginagawang masama. Pakiramdam ko lang na meron pero sa katotohanan wala talaga.
Hindi ako alam kung ano gagawin ko. Mahal ko ang aking kasintahan. At hindi magbabago yun pero hindi ko matigil ang kaiisip dito sa isang lalake na ito.
Ang masama pa ay nagtratrabaho kami sa iisang lugar. Palagi kami nagkikita at palagi kaming nasa iisang lugar. Hindi kami madalas magusap pero parang nagkakagusto na din ako sa kanya.
Ayan. Sinabi ko na. Parang may gusto ako sa kanya. Wala akong gagawin tungkol sa nararamdaman ko. Hindi ako pwede magtaksil sa kasintahan ko dahil hindi ko gawain yun. Siguro parang pagsubok lang ito. Tinitignan kung hanggan saan ang pagmamahal ko sa aking kasintahan.
Pero kung ano man ito. Sana mawala na kasi hindi ko nagugustuhan kung ano itong nararamdaman ko. Ako ay nasa totoong relasyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, may nakilala akong tao na nagmamahal sa akin. At hindi ko ilalagay ang relasyon ko sa alanganin.
Lord, sana mawala na talaga ito. Gulong gulo ako =(
PS. If you can't read this - it means you're not meant to know what's going on.
No comments:
Post a Comment